Have you ever felt alone ? Have you ever felt like there’s nowhere to go?? Have you ever tried seeking for who you are and what’s your worth? Have you tried finding a place in this world?
Wala lang..I just asked…Bakit? May angal?..Isa pa palang tanong..Nagtagumpay ka naman ba? I mean..nahanap mo naba ang lugar mo dito sa mundong ibabaw??
Ako kasi..di pa…Kainis nga eh..Dyahe..ayoko ng ganitong feeling….pa-down eh..Nakaka-emo..
Na-realize ko kasi na mahirap palang mabuhay kung di mo alam kung ano ang purpose mo..para kanino ka ba nabubuhay? Ano ba talaga ang papel mo sa mundo?..Saan ka ba talaga lulugar..san ka ba patungo? (parang tinagalog ko lang yung tanong sa taas ah…ang galing!)
Kung di mo din alam ang sagot sa mga tanong na to eh di cool! May kasama ako..good for you„hahaha
Naiinis lang ako..kasi feeling ko..nakasakay ako sa bangka in the middle of the sea na wala man lang sagwan…nakalutang lang..at tutungo kung san man dalhin ng agos..wow..cinematic..
Mahirap talaga lumugar kung di mo alam kung san lulugar at lalo na kung di mo alam kung ano ba lulugaran mo..We have this nature to seek for a place where we belong„for a place where could find our worth…ang problema..para ka namang nag-treasure hunting nun….anhirap…di mo alam kung it exist or it doesn’t…
Ako nga…di ko pa din sya nakikita..kaya nga feeling emo ako eh..kasi..even if at times I feel that I belong…mas lamang pa din yung times na hindi….insensitive man ako sa mata ng lahat…sensitive talaga ako sa totoo lang…konting criticism lang…wasak na ang tagpi-tagpi kong confidence..yung tipong tinamaan ng mga nangangalit na angry birds..kafoow!..basag agad.. magaling lang talaga ako magtago kaya di halata…kaya nga takot ako sa mga recitation nay an eh…Anyway…
Lagi ko hinahanap yung lugar that would make me feel that im of worth..i tried looking for it in the company of my friends..pero….i cant totally say that I found it…Kasi kahit feel ko nakita ko na..para pa ding hindi..minsan nga..feeling ko..i don’t really belong..na saling-pusa lang ako..nag-emote ba?!!…
Hay….di ko alam kung ano gagawin ko…wala akong definite na plano…di ko alam kung ano mangayayari sa future…di ako sure sa lahat ng bagay..in short..lutang talaga ako..lutang na lutang…di ko na nga alam kung anong gagawin ko sa buhay ko..di ko pa alam kung ano ba talaga halaga ko?..aminin mo..ganyan ka din..di ba..di ba??
Alam mo ba yung feeling na wala naman talagang nagke-care sayo?..yung minsan…gusto mo na patayin ang self mo malaman lang kung may makaka-miss sayo..kasi nga diba..malalaman mo lang na mahalaga ang isang tao kung wala nga ito…pero…..hindi ko naman iniisip magpatiwakal..bad yun…although on second thoughts..pero wag na….muna..pero..stupid kaya…eh kung patay na ako..pano ko pa malalaman kung may naka-miss sa akin??..di ako ganun Katanga….
Kaya…like everyone else..no choice ako…life must go on…malay ko ba naman kung along the way eh biglang magka-lightbulb at malaman ko na kung anong sagot sa aking mga answer..este question pala..kaya kayo rin..dont give up….kung feel nyo lost kayo..tandaan nyo….
mas lost pa din ako
kaya magpasalamat kayo!.